Electrical Installation and Maintenance Training Course, Isasagawa sa Bayan ng Roxas
Magsasagawa ng pitong araw (7) na Electrical Installation and Maintenance Training Course (EIMTC) ang PALECO sa Palawan State University- Roxas Campus sa February 16-22 taong kasalukuyan. Ito ay isasagawa sa inisyatibo ni District IX Director Atty. Raymund U. Acosta at sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Bureau of Fire Protection at Lokal na Pamahalaan ng Roxas.

Ang EIMTC ay isasagawa sa bayan ng Roxas para masigurado na mayroon sapat na bilang na mga electricians sa lugar kung saan labinglimang (15) barangay na nito ang napapailawan ng PALECO.

Ang nasabing kurso ay binubuo ng classroom lecture at hands on application. Katuwang ng PALECO ang Bureau of Fire Protection at Municipal Engineering Department ng bayan ng Roxas. Inimbitahan ang mga representante mula sa nasabing opisina para magbigay ng lecture patungkol sa panuntunan sa pagkuha ng Fire Safety Inspection Certificate at Electrical Permit na mga kinakailangan sa pag-aaplay ng kuryente sa PALECO.

Makakatanggap ng sertipiko ang mga dadalo sa nasabing pagsasanay. Ang EIMTC ay pangungunahan nila Jesse Cacatia, Power Use Coordinator, Garry U. Vasquez, MEDD Clerk na pawang mga Licensed Master Electrician at Engr. Alladin P. Cruz na isang Professional Electrical Engineer.

Ang EIMTC ay isa lamang sa mga pagsasanay na libreng ipinagkakaloob ng PALECO sa mga consumers at miyembro nito.


Posted: February 17, 2016
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018