Inaugural & Blessing Ceremony ng 4.42 MW Diesel Power Plant ng DMCI sa Bgy. Ipilan, Brooke's Point , Isinagawa
Isinagawa ang Inaugural & Blessing Ceremony ng 4.42 MW Diesel Power Plant ng DMCI sa Bgy. Ipilan, Brooke's Point , noong Martes, ika 16 ng Pebrero taong kasalukuyan. Ang kapasidad na nasabi ay bahagi ng kontrata ng DMCI sa PALECO na 25 MW at naka-konekta sa main grid (Puerto Princesa at mga Munisipyo sa South).

Maaaring mag-island mode ang planta sakaling masira o magka-problema ang 69 kV transmission line ng NAPOCOR o kapag sumailalim ito sa preventive maintenance. Ibig sabihin, mag-susuplay ito sa Brooke's Point, So. Espanola at Bataraza ng hindi naka-konekta sa grid. Sa kasalukuyan, ang tatlong nasabing Munisipyo ay may peak load na 2.7 MW.

Bagama't sa kasalukuyan ay 2.6 MW o tatlong makina pa lamang ang nagagamit , on going ang commissioning at testing ng iba pang makina. Target na makumpleto ito sa March 1, 2016. Ito ay upang masiguradong may sapat na suplay ng kuryente ang tatlong Munisipyo na nababanggit kapag sinimulan ang rehabilitation ng Narra-Brooke's Point transmission line ng NAPOCOR.

Nagpasalamat si Mayor Jean Feliciano sa PALECO, sa DMCI at sa kanyang mga kapwa opisyal ng Bayan ng Brooke's Point dahil hindi umano ito mangyayari kung wala ang kanilang pakikiisa. Sinabi pa nito na mabilis ang pag-unlad ng Brooke's Point at tamang tama umano ang paglagay ng planta ng DMCI sa kanilang lugar.

Samantala, gayundin ang pasasalamat ni Dir. Jeffrey Y. Tan- Endriga, Chairman of the Board ng PALECO sa lokal na Pamahalaan ng Brooke's Point sa suporta nila sa paglalagay ng planta sa kanilang lugar, hindi umano ito naging madali kung wala ang suporta ng mga ito. Aniya, layon ng PALECO at ng mga Director nito na maaayos at mapaganda ang serbisyo nito sa nasasakupan.

Ayon naman kay GM Ric B. Zambales, Sr., General Manager ng PALECO, ang paglalagay umano ng mga makina sa Brooke's Point ay para masiguradong may maayos na suplay ng kuryente ang Brooke's Point, S. Espanola at Bataraza na laging naaapektuhan kapag nagkaka-problema ang transmission line at noong nakaraang taon ng nagkulang ang suplay mula sa mga power provider. Nagpasalamat din ito sa DMCI dahil ito umano ay additional investment para sa kumpanya na walang karagdagang kita.

Ang gawain ay dinaluhan nila Director Rodantes C. Onda, Sr., Director Julieta C. Magbanua, Director Marrieta S. Seratubias, Director Rodolfo D. Garceron, mga opisyales ng Munispyo ng Brooke's Point,Punong Barangay Jonathan Lagrada ng Bgy. Ipilan at mga opisyales nito.

Ang Brooke's Point, So. Espanola, Bataraza at Balabac ay ang District VI ng PALECO at ito ay kinakatawan ni Director Rodantes C. Onda Sr.
Posted: February 19, 2016
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018