Pirmahan ng Conditional Power Supply Agreement (PSA) Sa Pagitang Ng PALECO At EPI, Isinagawa Na.
Isinagawa ang pirmahan ng Conditional Power Supply Agreement (PSA) sa pagitan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) at Emerging Power Incorporated (EPI) kahapon, July 9, 2015, 11:30 ng tanghali sa PALECO Board Room.

Kinatawan ni Atty. Raymund U. Acosta, Chairman of the Board ang PALECO samantalang, si Mr. Alberto C. Guanzon naman ang sa EPI. Tumayong witness sa nasabing pirmahan si Governor Jose C. Alvarez at GM Ric B. Zambales Sr.

Ang pirmahan ng conditional PSA ay hudyat upang magsimula ang proseso ng Swiss Challenge. Ang proposal ng EPI ay i-pa-publish sa diyaryo upang ma-challenge ng ibang interesadong power provider.

Sa proposal ng EPI sila ay magsusupply ng kuryente sa Roxas, Taytay,San Vicente at E Nido gamit ang Bunker at Solar Power at magtatayo ng 69 KV Sub-Transmission line upang makonekta ang apat na Munisipyo.




Posted: July 10, 2015
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018