Pagdiriwang ng National Electrification Month, pinaghahandaan ng PALECO
Pinaghahandaan na ng PALECO ang pagdiriwang ng National Electrification Month at ang ika siyam (9) na anibersaryo ng pagkakarehistro ng PALECO sa Cooperative Development Authority (CDA).

Kaugnay dito narito ang mga gawain na inihanda ng PALECO.

Boys & Girls Week August 3-7, 2015 (Fulbright Highschool Students)



Elementary Symposium August 5, 2015 (Bancao-Bancao Elementary Students)

PALECO Bloodletting Project August 12, 2015 (to be donated to Philippine Red Cross)

Tree Planting Activity August 14, 2015 (at Irawan Water Shed)

Electrical Installation & Maintenance August 10-15,2015 Training Course (for District 1)

College Symposium' August 18, 2015 (Fulbright College)

High School Symposium August 18, 2015 (San Jose National High School )

Maliban sa mga nabanggit na gawain, nakatakdang isagawa ang pandistritong halalan sa District VII (Cuyo, Magsaysay & Agutaya) sa ika 29 ng Agosto taong kasalukuyan. Ang huling araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy at iba pang mga dokumento ay sa Agosto 18. Maaaring makaboto sa nasabing halalan ang mga naging miyembro ng PALECO hanggang Abril 30, 2015 sa nasabing Distrito.

Matatandaan na ang PALECO ay permanente ng nakarehistro sa Cooperative Development Authority (CDA) noong August 01, 2006. Samantala, ang pagdiriwang ng National Electrification Month ay alinsunod sa Proclamation no. 1743 na pinirmahan noong Marso 16, 2009. Ito ay kaalinsabay din ng anibersaryo ng pagkakatatag ng National Electrification Administration (NEA).


Posted: July 27, 2015
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018