5-YEAR CAPEX PROJECTS NG PALECO, ISASAILALIM SA ERC PUBLIC HEARING
Magsasagawa ng public hearing ang Energy Regulatory Commission (ERC) patungkol sa aplikasyon ng PALECO hinggil sa pagpapatupad ng mga plano’t programa nito para sa taong 2017 hanggang 2021 sa ilalim ng Capital Expenditure (CAPEX) Projects.

Sa mga nais dumalo, ito ay nakatakda sa Setyembre 14, 2017, 9:00 ng umaga sa Punong Tanggapan ng PALECO, Barangay Tiniguiban, Lungsod ng Puerto Princesa. Aalamin rito ng ERC kung tugma sa itinakdang Jurisdictional Requirements ang naturang aplikasyon, gayundin ay sasailalim sa Expository Presentation, Pre-trial Conference at Presentation of Evidence.

Nakapaloob sa CAPEX ang mga proyektong kaugnay sa pagbili ng mga ari-arian at mga kagamitan na makatutulong sa operasyon ng PALECO. Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

 1. Instalasyon ng 5 MVA Substation sa Barangay Manalo at Barangay Montible, Lungsod ng Puerto Princesa;
 2. Instalasyon ng Advance Communication System para sa mga Substations na makatutulong sa mabilis na komunikasyon at
  pagsubaybay sa daloy ng kuryente;
 3. Pagtatayo ng three phase primary line papunta sa bagong tayong SM Mall sa Lungsod ng Puerto Princesa;
 4. Upgrading ng kasalukuyang primary conductors sa Narra Feeder 2 at El Nido Distribution Line;
 5. Pagpapailit ng linya mula single phase gagawing three phase:
  a) mula Barangay San Rafael hanggang Barangay Langogan, Lungsod ng Puerto Princesa;
  b) mula Barangay Villa Libertad hanggang Barangay Bucana, El Nido;
  c) mula Sitio Lagodia hanggang Sitio Bobolungan, Barangay Corong-Corong, El Nido;
  d) at Stand Alone Systems sa mga bayan ng Rizal, Taytay at Roxas;
 6. Pagtatayo ng primary line na pamalit sa mahahabang secondary lines at service drop wires;
 7. Instalasyon ng karagdagang Automatic Voltage Regulator, Meter Encasement at Protection, Sectionalizing Equipment,
  Amorphous Distribution Transformers at Photo Switch para sa Street Lights;
 8. Pagpapalit ng mga luma at sirang metro;
 9. Pagpapailaw sa 23 barangays at 208 sitios sa ilalim NEA SEP at BLEP.

Tinatayang aabutin ng halagang Php1,161,818,240.00 ang kabuuhan upang maisakatuparan ang mga nabanggit na proyekto. Ang halagang ito ay magmumula sa Reinvestment Fund for Sustainable CAPEX at Other Income na malilikom sa koleksyon ng PALECO na inaasahang aabot sa halagang Php435,350,732.00 para sa limang taon. Samantala, inaasahan rin ang subsidiya mula sa National Electrification Administration (NEA) sa ilalim ng Barangay Line Enhancement Program (BLEP) at Sitio Electrification Program (SEP) na may halagang Php437,339,161.00. Dagdag rin dito ay kukuha ng loan mula sa NEA o kaya’y sa mga banko na halagang Php289,128,247.00.

Sakaling maaprubahan ang CAPEX para sa taong 2017 hanggang 2021, magkakaroon ito ng average indicative rate impact na halagang Php0.0934 per kilowatt-hour sa mga konsumidores. Ito ay maaaring tumaas o bumaba depende sa magiging koleksyon ng PALECO at sisingilin sa mga konsumidores sa pamamaraan na base sa magiging desisyon ng ERC.

Anumang proyekto ng iba’t ibang electric cooperatives sa ilalim ng CAPEX ay kinakailangan isangguni at aprubado ng ERC upang masiguro na abot-kaya ang halagang sisingilin sa bawat konsumidores.


Posted: September 06, 2016
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018