Magbayad Ng Maaga At Manalo Raffle Promo Muling Ilulunsad
Bilang pasasalamat ng PALECO sa mga miyembro nito na patuloy na sumusuporta at sumusunod sa polisiya ng kooperatiba patungkol sa pagbabayad ng buwanang bayarin, muling ilulunsad ng ating Kooperatiba ang Magbayad ng Maaga at Manalo Raffle promo. Ang “Magbayad ng Maaga at Manalo Raffle Promo ngayong taon ay sisimulan sa buwan ng Abril 2018 hanggang buwan ng Enero 2019.

Lahat ng Member-Customer-Owners (MCO’s) ng PALECO main office at mga satellite offices (maliban sa mga empleyado ng PALECO) na makakapagbayad ng kanilang mga buwanang bayarin ng maaga o sa takdang panahon sa mga collection offices at mga collection partners nito gaya ng mga banko (Union Bank, First Consolidated Bank, Asia United Bank, RCBC, at China Bank), Palawan Pawnshop, MLuilier at SM Mall ang maaaring masali sa raffle. Ang mga mananalo ay mapipili sa pamamagitan ng computer generated process na random number generation ng mga account number.

Ang raffle draw ay gagawin tuwing Lunes ng buwan, 2:00 ng hapon na gaganapin sa Punong Tanggapan ng PALECO. Tatlong MCOs mula sa main office at isa sa bawat satellite offices ang mananalo ng mga sumusunod:

April 30, 2018 : 25 kg (AROMA)
May 28, 2018 : Stand Fan
June 25, 2018 : Rice Cooker
July 30, 2018: Cellphone
August 20, 2018: Rechargeable Emergency Light w/Fan
September 24, 2018: Oven Toaster
October 29, 2018: Blender
November 26, 2018: Table Top Water Dispenser
December 17, 2018: Worth P2,000 Grocery Items
Gaganapin naman ang grand draw sa January 25, 2019 kung saan isang MCO ang mananalo ng grand prize na 2 Door Refrigerator at 20 consolation prizes na single tub Washing Machine.

Inaasahan ng pamunuan ng PALECO na sa pamamagitan ng nasabing gawain ay higit na mahihikayat ang mga MCOs dito sa lungsod at sa iba pang mga munisipyo na nasasakupan ng Kooperatiba na magbayad na kanilang buwanang obligasyon sa takdang panahon.


Posted: March 22, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018