Coordination Meeting ng PALECO at NAPOCOR, Isinagawa
Isang coordination meeting ang isinagawa noong ika-10 ng Hulyo sa pagitan ng pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) sa pamumuno ni Officer-in-Charge Napoleon Cortes, Jr at National Power Corporation (Napocor) na pinangunahan ni Palawan Manager Engr.Larry Sabellina.

Layunin nito na personal na magkakilanlan at magkaroon ng direktang ugnayan sa kani-kanilang mga counterpart ang dalawang ahensiya na siyang responsable sa pagkakaloob ng suplay ng kuryente sa lalawigan.

Ibinahagi ng Napocor ang mga plano at programa para sa taong 2019 kasama na ang din ang kalagayan ng kanilang operasyon at mga naging dahilan ng kawalan ng kuryente sa mga munisipyo mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon. Nabanggit din iyong kanilang pagbili ng mga bagong makina at ang pagpapailaw sa ibang lugar sa ilalim ng programang Barangay Power Association ngayong taon hanggang 2020.

Sa panig naman ng Paleco, inilatag nito ang kanilang mga istratehiya na ginagawa para malunasan ang madalas na pagkawala ng kuryente. Nangako naman ang pamunuan ng Napocor na tutugunan ang mga inilatag na problema ng Paleco lalo na iyong protection setting para maiwasang Sinimulan ang pagsasagawa ng coordination meeting noong nakaraang taon at napagkasunduang gawin ito kada ikatlong buwan upang kagyat na mabigyang pansin ang anumang pangangailangan sa operasyon ng Paleco at Napocor.


Posted: August 30, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018