PANDISTRITONG HALALAN AT AGMAM IPAGPAPALIBAN
Pinagtibay ng National Electrification Administration (NEA) Memorandum Order No. 2018-009 na may petsang Pebrero 08, 2018, inaatasan ang lahat ng electric cooperatives na may nakatakdang pandistritong halalan at Annual General Membership Assembly Meeting (AGMAM) sa buwan ng Mayo na ipagpaliban ito at isagawa sa buwan ng Hunyo.

Layunin ng kautusan ay upang makapagbigay-daan at hindi magdulot ng kalituhan para sa Barangay at SK Elections na gaganapin sa buwan ng Mayo. Dahil dito, minabuti ng Pamunuan ng PALECO na ipagpaliban ang mga nakatakdang pandistritong halalan base sa mga sumusunod na petsa:

1. District II mula Marso 10, 2018 ay gagawin sa Hulyo 14, 2018. Barangay Mandaragat, San Miguel, San Pedro, San Manuel at San Jose, Lungsod ng Puerto Princesa.

2. District V mula Marso 17, 2018 ay gagawin sa Hulyo 21, 2018. Munisipyo ng Aborlan, Barangay Inagawan at Kamuning, Lungsod ng Puerto Princesa.

3. District VII mula Marso 24, 2018 ay gagawin sa Hulyo 28, 2018. Munisipyo ng Brooke’s Point, Sofronio Espanola, Bataraza at Balabac, Palawan.

4. District III mula Hunyo 09, 2018 ay gagawin sa Setyembre 08, 2018. Bgy. Tagburos hanggang Bgy. Langogan, Lungsod ng Puerto Princesa.

5. District VI mula Hunyo 16, 2018 ay gagawin sa Setyembre 15, 2018. Munisipyo ng Narra, Palawan.

6. District IX mula Hunyo 23, 2018 ay gagawin sa Setyembre 22, 2018. Munisipyo ng Quezon at Rizal, Palawan.

7. District XI mula Hunyo 30, 2018 ay gagawin sa Setyembre 29, 2018. Munisipyo ng Taytay, San Vicente at El Nido, Palawan.

Samantala, ang AGMAM na nakatakda tuwing ikatlong araw ng Sabado sa buwan ng Mayo o ngayong taon ay sa Mayo19, 2018 ay isasagawa naman sa Nobyembre 17, 2018.

Ang mga pagbabagong ito ay alinsunod rin sa resolusyon na nilagdaan ng mga miyembro ng Hunta Direktiba sa kanilang pagpupulong nitong Pebrero 09, 2018 kung saan nakasaad ang pagsunod sa alituntunin ng PALECO Election Code base sa PALECO By-Laws, Section 3.1 “In not less than thirty (30) days, but not more than sixty (60) days before the Annual Meeting of the Cooperative as provided for in the By-Laws, elections shall be held for districts where the terms of office of the incumbent board members as fixed by the By-Laws are due to expire. The thirty (30) day period shall be reckoned from the date of the last elections scheduled for the year.”

Ito ay upang mabigyan rin ng sapat na panahon ang mga kawani ng PALECO sa pagbibigay ng tamang impormasyon at preparasyon ng mga dokumento’t materyales na kinakailangan para sa pagsasakatuparan ng mga nabanggit na gawain.


Posted: March 22, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018