PALECO BOD CHAIRMAN HUMINGI NG PAUMANHIN SA ALKALDE NG PUERTO PRINCESA DAHIL SA NARANASANG BLACKOUT
Humingi ng paumanhin si Paleco Board of Directors Chairman Jeffrey Y. Tan-Endriga kay Mayor Lucilo Bayron ng Puerto Princesa dahil sa nadismayang switch-on ceremony ng street lights sa limang barangay sa lungsod dahil sa blackout noong ika-11 ng Setyembre na tumagal ng dalawang oras.

Alas sais singkwenta y uno ng gabi (6:51pm) nang mag-trip ang 69 KV main feeder ng DMCI na may kargang 20 megawatts kaya’t nag-overload ang ibang independent power providers. Naibalik ang daloy ng kuryente ng alas otso singkwenta y kwatro ng gabi (8:54pm).

Bilang aksyon, inimbitahan sa isang pagpupulong noong ika-14 ng Setyembre ang kinatawan ng Puerto Princesa City Government upang bigyan sila ng detalyadong impormasyon tungkol sa estado ng operasyon ng Paleco at ng mga power providers. Tinalakay din ang mga solusyon sa mga natukoy na dahilan ng blackout.

Napagtanto sa pulong na malaking bahagi ng solusyon sa blackout ay nakapaloob sa Capital Expenditure (Capex) Plan na dalawang taon nang nakabinbin sa Energy Regulatory Commission (ERC). Kabilang dito ang pagpapatayo ng dalawang karagdagang substation sa Puerto Princesa at ang pag-upgrade ng mga linya sa lungsod na tinatayang nasa 40 taon na ang tanda. Minabuti ng Board of Directors na gumawa ng resolusyong magsusulong para sa emergency purchase upang makapag-loan na sa bangko para sa kinakailangang pondo sa mga nabanggit na proyekto. Kasama sa resolusyong ito ang pagbili SCADA system halagang P40 M na inaasahang makapagpapabilis ng pagbabalik ng daloy ng kuryente kapag may blackout.


Posted: September 25, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018