“TASK FORCE POWER PALECO,” BINUO NG DOE
Binuo ng Department of Energy ang Task Force Palawan Power at sinimulan na kamakailan ang komprehensibong pagtatasa sa Palawan Electric Cooperative.

Ayon kay Energy Department Director Atty. Cesar Dela Fuente, kanilang susuriin ang institusyunal, pinansyal at teknikal na aspeto ng operasyon ng Paleco. Kasama sa bumubuo ng task force ang National Electrification Administration (NEA), Energy Regulatory Commission (ERC), National Power Corporation (NAPOCOR) at Paleco.

Pero paglilinaw ni Atty. Dela Fuente, hindi ang Paleco ang unang isinalang sa komprehensibong pagtatasa dahil una na silang nagsagawa ng pagsusuri sa Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. o Ormeco.

Binigyang-diin din niya na ang isinasagawang pagtatasa ay hindi upang hanapan ng mali ang 17 electric cooperative kundi matulungan silang mapaunlad pa ang kanilang sistema.

Magkakaroon ng pagpupulong sa mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Palawan ang Task Force Palawan Power oras na may resulta na ang kanilang pagtatasa.

Sa ika-15 ng Marso naman inaasahang maisusumite kay DOE Secretary Cusi ang mga resulta ng kanilang pagsusuri at mga rekomendasyon.


Posted: March 13, 2019
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2019