Pag-upgrade at Pag-rehab ng WESCOM Circuit , Patuloy na Ginagawa
Patuloy ang ginagawang pag-upgrade at pag- rehab ng PALECO sa WESCOM Circuit kung saan gagawin itong “ double circuit”. Ito ay para itaas ang kapasidad nito para sa pagtaas ng demand dahil ang nasabing linya ay itinayo noon pang 1974.

Sinimulan ang pag-ugrade at pag-rehab ng linya noon pang May 2017 kung saan unang ginawa ang pagtatayo ng mga poste. Samantala, simula ngayong Biyernes ,September 22 hanggang October 17 (tuwing Martes at Biyernes) gagawin ang paglalatag ng mga kawad ng kuryente at paglalagay ng mga grounding sa “double circuit” sa kahabaan ng Malvar St. patungo sa SM Mall.

Ayon sa Technical Services Department(TSD), pinili na gabi hanggang umaga ito gawin (10:00pm-6:00am) para makaiwas na makaabala sa trapik sa Malvar St. at peligrong dulot ng gawain sa publiko. Gagawin umano nila ang lahat para mabilis itong matapos, humigit kumulang 30 lineman ang magtatrabaho sa gawaing ito.

Maapektuhang mga Lugar: Bahagi ng Bgy. San Pedro, Castro Road, City Coliseum, Sitel, Delos Reyes Road II, bahagi ng Bgy. San Miguel mula Junction 1 hanggang Baltan, Runway, Dacanay Road. Provincial Capitol at Capitol Commercial Complex, Lacao St., bahagi ng Malvar St. hanggang NCCC Mall, Carandang St. bahagi ng Mendoza St. (Palanca St. hanggang Malvar St.) Rizal Avenue mula Lagan St. patungong Mendoza Park. Under WESCOM Circuit

(Three Phase Line)
Araw at oras na mawawalan ng kuryente Araw at oras na maibabalik ang kuryente Biyernes, Setyembre 22, 2017 10:00pm Sabado, Setyembre 23, 2017 6:00am Martes, Setyembre 26, 2017 10:00pm Miyerkules, Setyembre 27, 2017 6:00am Biyernes, Setyembre 29, 2017 10:00pm Sabado, Setyembre 30, 2017 6:00am Martes, Oktubre 03, 2017 10:00pm Miyerkules, Oktubre 4, 2017 6:00am Biyernes, Oktubre 06, 2017 10:00pm Sabado, Oktubre 7, 2017 6:00am Martes, Oktubre 10, 2017 10:00pm Miyerkules, Oktubre 11, 2017 6:00am Biyernes, Oktubre 13, 2017 10:00pm Sabado, Oktubre 14, 2017 6:00am Martes, Oktubre 17, 2017 10:00pm Miyerkules, Oktubre 18, 2017 6:00am

Muli pong humihingi ng paumanhin at pang-unawa ang Pamunuan ng PALECO sa ating kasapi na maaapektuhan ng nasabing scheduled partial black-out. Ito po ay bahagi lamang ng pagmimintini at pagsasaayos ng ating mga linya ng elektrisidad sa nabanggit na mga lugar. Maraming salamat po.

Para sa mga service request, katanungan at iba pang concern, maaari po kayong tumawag sa 433-2001 / 09175532836/ 09989937849.

Posted: September 20, 2017
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018