PROYEKTONG PAGPAPAILAW SA BRGY. PALY, TAYTAY, MAGIGING MALAKING TULONG SA PAGPAPALAGO NG MALILIIT NA NEGOSYO SA LUGAR
Labis ang pagpapasalamat ng mga residente ng Barangay Paly sa bayan ng Taytay sa proyektong elektripikasyon sa isla. Ang Barangay Paly ay isa sa tatlong islang barangay na napili para sa Village Electrification Project ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Paleco at National Power Corporation (Napocor).

Ipinahayag ni Punong Barangay Juliet Largado na magiging malaking tulong ang naturang proyekto sa pagpapalago ng maliliit na negosyo sa kanilang isla tulad ng tindahan, karinderiya at iba pa. Kaugnay nito, nangako si Largado na pagyayamanin at pag-iingatan ng kanyang liderato ang proyekto para sa ikauunlad ng barangay.

Partikular na pinapurihan ni Largado ang pamunuan ng Paleco sa pagpapautang sa mga mahihirap o indigent na residente ng mga kagamitang pangkuryente na nagkakahalaga ng P2,500. Ayon sa Punong Barangay ng Paly, sa ganitong paraan hindi naging hadlang ang kahirapan para mapakinabangan ng mga residente ang biyaya ng kuryente. Obligadong bayaran ng benepisyaryo ang pautang sa loob ng limang(5) buwan sa sandaling magsimula ang suplay ng enerhiya at pagpatak ng unang buwanang bayarin nito sa kuryente.

Samantala, inaasahan ni Engr. Larry Sabellina, Manager ng Napocor-Palawan, na magkakakuryente na sa lugar sa buwan Oktubre. Positibo ang mga residente ng barangay na matutupad sa itinakdang panahon ang Village Electrification Project sa lugar.


Posted: September 07, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018