3RD QUARTER PRESS CONFERENCE, ISINAGAWA NG PALECO KASAMA ANG POWER PROVIDERS
Mabunga ang isinagawang Press Conference kamakailan kasama ang mga power providers at pinuno ng Paleco upang himayin ang mga isyu hinggil sa estado ng operasyon at ilang balakid sa maagap na pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng kooperatiba.

Inilatag ni Board of Directors Chairman Jeffrey Y. Tan-Endriga ang mga planong nakapaloob sa Capital Expenditure (Capex) Plan ng ating kooperatiba. Kasama sa Capex Plan ang pagtatayo ng dalawa (2) pang karagdagang substation at pagbili ng Supervisory Control And Data Acquisition (SCADA). Ito ay isang software na makatutulong para mapadali at mapabilis ang pagbabalik ng kuryente sakaling magkaroon ng blackout. Kabilang din sa Capex Plan ang pag-upgrade ng linya sa pamamagitan ng pagpapalit ng insulated wire sa kasalukuyang gamit na bare wire. Sa ganitong paraan, maiiwasan na ang power interruption kahit pa mayroong bagay na sumagi sa linya ng kuryente.

Sa kabila ng pagsusumikap ng pamunuan ng Paleco, dalawang (2) taon nang nakabinbin sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang Capex Plan ng Paleco at ng iba pang electric cooperatives. Nilinaw ni Chairman Tan-Endriga na hindi maaring ipatupad ng Paleco ang mga inilinyang proyekto hangga’t hindi ito naaaprubahan ng naturang ahensiya. Inaasahan na makapagtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon ng ipapalit sa apat (4) na nasuspindeng komisyoner para tuluyan nang mapagtibay ang Capex Plan.


Posted: September 20, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018