IKA-44 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PALECO IPAGDIRIWANG
Sa ika-44 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) na nakatakda sa Enero 25, 2018, ilang gawain ang inihanda para sa kawani’t miyembro nito sa Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan.

Kabilang sa mga gawaing ito ay ang gift giving na binansagang “Alay Mula sa Puso” at pagbibigay parangal sa mga kawaning nakapagbigay-serbisyo ng 10 hanggang 40 na taon.

Benepisyaryo ngayong taon para sa “Alay Mula sa Puso” ng mga kawani ng PALECO ang mga preso mula sa Iwahig Central Colony, Lungsod ng Puerto Princesa. Ang pondo nito ay magmumula sa kontribusyon ng bawat kawani at ang malilikom ay ibibili ng mga pagkain at ilang mga pangunahing pangangailangan.

Samantala, isa sa mga kawaning bibigyang parangal ay si General Manager Ric B. Zambales, Sr. na natatanging pararangalan para sa pagbibigay-serbisyo sa Kooperatiba ng 40 na taon. Hunyo 15, 1977 nang simulang naging empleyado si GM Zambales ng PALECO at dahil sa pagsusumikap ay unti-unting naabot ang pagtaas ng mga posisyon hanggang sa Pebrero 14, 2015 ay tuluyang naitalaga bilang General Manager. Sa kabuuhan ay 23 na kawani ang bibigyang parangal.

Maliban pa rito, dapat ding abangan sa mismong araw ng Anibersaryo ang pamamahagi ng mga giveaways para sa mga member-consumers na magbabayad ng kanilang buwanang bayarin. Ito ay customized t-shirt na ipamimigay hangga’t may suplay sa Punong Tanggapan ng PALECO at sa mga Satellite Offices nito para sa mga munisipyo.

Karagdagan, kaalinsabay rin ay ang Grand Draw ng Magbayad nang Maaga at Manalo Raffle Promo 2017 kung saan isang Devant 49” LED Television at 30 consolation prizes na Cherry Mobile Cellphones ang maaaring mapanalunan. Makakasali rito ang mga member-consumers na patuloy ang pagtalima sa pagbabayad ng maaga o hindi napapatawan ng surcharge at nadiskonek. Ito ay sa pamamagitan ng random-number generation ng mga account numbers na gaganapin sa Billing Section ng Punong Tanggapan ng PALECO, 2:00 ng hapon.

Matatandaan na ang PALECO ay naitatag sa Lalawigan ng Palawan noong Enero 25, 1974 sa hangarin ng Pamahalaan Nasyonal na mapalawig ang pagpapailaw sa bansa sa pamamagitan ng ahensyang National Electrification Administration (NEA).


Posted: January 16, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018