DOE, NAGSIMULA NANG MAGSAGAWA NG PAGTATASA SA 17 KOOPERATIBANG PANG-ENERHIYA
Isa-isa nang dinarayo ng Department of Energy ang mga electric cooperative na kabilang sa inirekomenda nitong tanggalan ng prangkisa.

Ito ay upang magsagawa ng komprehensibong pagtatasa sa mga ito matapos na umalma ang Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. o Philreca sa naturang hakbang dahil hindi ito dumaan sa nararapat na proseso.

Matatandaan na sumulat si DOE Secretary Cusi kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo noong ika-11 ng Enero upang ipawalang-bisa ang prangkisa ng 17 kooperatibang pang-enerhiya ngunit agad rin niya itong binawi noong ika-30 ng Enero at inaming mahalaga ngang magsagawa muna ng pagsusuri at pagtatasa sa mga inilistang kooperatiba pang-enerhiya.


Posted: March 13, 2019
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2019