AYUDA NG CITY ENRO, INAASAHANG MALAKING TULONG SA PAGLILINIS NG LINYA NG KURYENTE
Mabagal na pag-isyu ng tree cutting permit. Ito ang isa sa mga nakikitang sagabal ng Technical Services Department ng Paleco sa pagsasagawa ng lines clearing o paglilinis ng linya ng kuryente.

Ayon kay Technical Services Department manager Engr. Ric Adajao, buwan ng Mayo pa nang sumulat ang pamunuan ng Paleco sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa permiso kaugnay ng clearing operation na kanilang gagawin ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang DENR.

Kaugnay nito, nag-alok ng tulong sa Paleco ang City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) upang mapabilis ang pag-apruba ng DENR sa hinihiling na tree cutting permit.

Sinabi ni Atty. Carlo Gomez na sakaling nasa peligro ang buhay at ari-arian, nasa disposisyon na ng Paleco ang kasunod na aksyon. Ipinahayag ni Atty. Gomez na maaari nang putulin kaagad ang puno kung ito ay magdudulot ng panganib sa sinuman at anupaman. Ang kailangan lamang gawin ng Paleco ay makipag-ugnayan sa City ENRO.

Mahalaga ang pagsasagawa ng lines clearing upang maiwasan ang blackout dahil sa pagsagi ng sanga o baging sa linya ng kuryente.


Posted: October 04, 2018
A member-customer-owner focused electric cooperative providing efficient, quality and reliable service consistent with mandated standards.
An internationally-certified electric cooperative admired for its exemplary performance, modern technology and poverty alleviating social programs by 2024.
Telephone No. : 433-2001
Globe Mobile No. : 09175532836
Smart Mobile No. : 09989937849
Palawan Electric Cooperative | North National Highway, Bgy Tiniguiban, Puerto Princesa City | Copyright©2018